SHOOT sa kulungan ang isang 30-anyos na security guard nang lakas-loob na magsumbong sa pulisya ang ginang na kanyang pinagbabantaan makaraang malaman ng biktima na nagwawala at naghahamon ng away ang suspek bitbit ang isang baril sa Caloocan City.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Penones, Jr, unang nagsumbong ang ginang sa mga opisyales ng Barangay 180 matapos siyang makatanggap ng mga mensahe kaugnay sa pagbabanta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya mula sa suspek na si Romnick Amayag, ng Lot 9, Bkl 25, Crispulo St. Miramonte Heights, Tala.
Sumunod ay pinuntahan ng ginang ang live-in partner ng suspek na si alyas “Cristine” upang isumbong ang pagbabanta sa kanya ng suspek at dito na niya nalaman na kasalukuyang lumilikha ng gulo ang lalaki at hinahamon ng away ang sinuman sa kanilang lugar habang iwinawasiwas ang bitbit na baril.
Kaagad na nagtungo ang ginang sa tanggapan na P/Maj. Armando Reyes, Commander ng Sub-Station 15 upang isumbong ang panggugulo at pananakot ng suspek habang dala ang kalibre .38 baril.
Inabutan naman ng mga nagrespondeng pulis si Amayag na hawak-hawak pa ang kanyang service firearm at inatasang sumuko at bitawan ang baril.
Walang nagawa ang suspek kundi mapayapang sumuko sa mga pulis at isuko ang dala niyang baril.
Sinabi ni Col. Lacuesta na sasampahan nila ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Illegal Possession of Fire Arms and Ammunition) at Threat ang security guard sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA