December 25, 2024

SEGURIDAD SA DEADLINE NG VOTER’S REGISTRATION, PINATITIYAK NI ELEAZAR

PHOTO: PTV4


INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga pulis na sigurohin nasusunod ang mga ipinatutupad na mga health protocols at kaayusan sa mga registration site habang papalapit na ang deadline ng voters registration na magtatapos sa September 30, para sa taon 2022 National at Local elections.

Ginawa ni PGen. Eleazar ang utos dahil sa mga natatanggap niyang impormasyon tungkol sa dagsa ng mga tao at mahabang pila sa mga registration site.

Base sa mga nakalap na impormasyon ng PNP dumagsa ang mga gustong makahabol sa pagpaparehistro nitong mga nakalipas na araw sa mga mall at satellite office ng Comelec dahil sa nalalapit na pagtatapos ng pagpaparehistro.

Ayon pa kay PGen Eleazar inatasan na rin niya ang mga  mga police commanders na magpadala ng mga pulis sa iba’t ibang Comelec registration sites upang masiguro na nasusunod ang kaayusan at ang mga health protocols dahil sa banta ng Covid-19 virus.

Pinaalalahanan na rin umano niya ang mga lokal na pulisya na agad ng makipag ugnayan sa mga Local Government Unit’s (LGU’s) na sila ay handang tumulong at umalalay para sa seguridad at iba pang tulong matiyak lamang na magiging maayos ang pagtatapos ng araw ng registration period. (KOI HIPOLITO)