May 19, 2024

SECURITY GUARD NG MCDO, NANAPAK NG BEBOT

Sinuntok ng security guard ng McDonalds sa mukha ang isang babaeng costumer sa York, UK. Humilatsa sa sahig ng fastfood ang babaeng hindi pinangalanan nang tamaan ng suntok. Bukod dito, kinaladkad din siya ng sekyu habang nangungunyapit sa paa nito.


Ayon sa ulat, naka-off duty noon ang guard. Ikinagulat naman ng mga bystanders ang insidente. Kung saan, nakunan ito ng larawan. Nagawa pang sipain ng babae ang balikat ng sekyu. Pagkatapos ay muling inihilatsa sa sahig at pinagsisipa.


Dahil sa insidente, ipina-iimbestigahan na ng McDonalds ang ugat ng pangyayari. Maging ang sekyu na sumuntok sa babae. Sinabi naman ng spokesperson ng fastfood na hindi nila kokunsentihin ang nanakit.

“Fast food giant has a “zero-tolerance policy” towards “violence or abuse,” aniya.