MUKHANG priority ngayon ng ABS-CBN sina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, dahil kamakailan lang ay pumirma na ng bagong kontrata ng hindi sabay ang mga ito sa Kapamilya TV network.
“Siyempre mas uunahin nila ang mga projects nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, na hindi na pwedeng magtambal. Kaya mas papaburan nila ang dalawa, dahil malakas naman talaga sa televiewers at moviegowers ang mga ito.
“Pero hindi naman daw pababayaan ng Kapamilya network si Andrea Brillantes, dahil subok naman na rin nila ang pruweba nito. Pero dapat daw ay naumpisahan na ang ‘Senior High’ Season 2, pero hindi pa gumigiling ang camera para sa taping ng nasabing drama series.
“Mukhang tengga ang sitwasyon ng showbiz career ni Andrea, na hindi ito magandang senyales para kay Andrea. Pero hindi naman daw nagmamadali si Andrea, at alam niyang hindi naman siya pababayaan ng kanyang TV network,” malungkot na pahayag ng aking source.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA