May 18, 2024

Kung gustong maging matatag ang relasyon… BONG REVILLA, NAGBIGAY NG ADVICE SA MGA ARTISTANG NAGHIHIWALAY

MASAYA si Sen. Bong Revilla Jr., nang humarap ito sa mga press matapos magkaroon ng intimate na chikahan na kanyang ipinatawag para sa action-comedy series niyang ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.’ Na nagsimula ng umere at napaka-taas ng ratings ng kanilang action-comedy series na iyon.

Natanong nga ng mga press na nandoon, kung ano ang reaction niya sa hiwalayang isyu na nasasangkutan ng mga artista natin sa ngayon?

“Magbigay ng second chance, at pag-usapan kung ano man ang problema ng mag couples. Hindi kasi maaayos ang isang problema kung hindi n’yo ito pag-usapan, at huwag n’yo ng hintaying lubugan pa ng araw dahil lalo lang lalala ang sitwasyon.

“Kaming mag-asawang si Lani Mercado-Revilla, open naman sa inyong lahat kung paano kaming dalawa na dumaan sa mabibigat na pagsubok. Dahil pinag-usapan namin at hinarap ang mga pagsubok, kaya heto kami pa rin.

“Ang asawa ko kahit marami siyang mga isyu na narinig sa akin, never na nawala iyong tiwala niya sa akin. Kaya naman secure siya sa akin, dahil alam niyang totoong mahal na mahal ko siya.

“Iyong tiwala sa isa’t isa ang hindi n’yo dapat tanggalin sa inyong relasyon, kung may isyu mag usap kayo para hindi mauwi sa hiwalayan.” Pagtatapos pa ni Sen. Bong Revilla.

Nagpapasalamat si Sen. Bong, dahil ang lakas ng ratings ng kanyang ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,’ sa mga televiewers na patuloy na sumusubaybay sa kanyang action-drama series sa GMA 7 na inyong mapapanood every Sunday, 7:15 ng gabi.