PUMOSTE ng buwenamanong panalo ang Cavite Don Pacundo Sealions at Mc Sports Management sa doubleheader ng umarangkadang Sinag Lakas Kwarenta basketball tilt ng Sinag Laro Asya kamakalawa sa Ynares Sports Center,Pasig City.
Dikdikan ang laban ng Sealions ni Katherine Laron mula unang yugto hanggang krusyal na endgame ng 4th kung saan ay breaks of the game lang ang outcome pabor sa Cavitenos kontra palabang VDP Trading,84-77.
“Good start. Wish namin tuluy-tuloy ang winning tradition”, wika ni team top brass Katherine Laron na kumakatawan kay team owner Jimwell Laron gayundin sa katropang Don Pacundo.
Pasiklab naman ang ex- pros na sina Richie Melencio( 35 points) at Wynne Arboleda(11) gayundin sina Shin dela Cruz( 23),Braulio Lim at iba pa upang igiya ang Mc Sports Management para sa 89-82 inisyal na wagi sa torneong inorganisa ng Sinag Laro Asya na pinamumunuan nina Chairman Rocky Chan,President Ray Alao,Executive Director Leo Isaac at Commissioner Rodney Santos.
Sa makulay na opening ceremony ay pumarada ang lahat na kalahok sa ligang basketball na handog ng Sinag Liga Asya na bukas para sa nga comebacking commercial at professional cagers na kwarenta anyos pataas. RON TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA