May 17, 2024

AlDub ‘di sinuportahan ang kanilang idol… ALDEN RICHARDS MOVIE BINOYCOTT NG ALDUB FANS

DAMA mismo ni Alden Richards ang tampo at galit sa kanya ng kanyang AlDub fans, dahil binoycott pala nila ang movie nila ni Ms. Sharon Cuneta. Kaya pala nakakuha lamang ito ng kita na P3 milyon.

“Pinaasa niya kami at pinaniwalang kasal na sila ni Maine Mendoza, dami nilang ginawang kasinungalingan ss amin. Kami naman napaniwala nina Maine at Alden, iyon pala promo lang nila sa kanilang loveteam at show.

“Kami susuporta lamang kapag si Maine Mendoza lamang ang kanyang ka-partner, dala na kami sa boladas niya. Hinding-hindi na kami pauuto sa kanilang dalawa ni Maine,” inis na salaysay ng aking source.