September 8, 2024

SCOTTIE THOMPSON, IKINASAL NA SA ISANG STEWARDESS AT INFLUENCER MULA SA PAMPANGA

Ikinasal na si Barangay Ginebra guard Scottie Thompson, hindi sa kanyang fiance na si Pauline Fajardo. Kundi, sa isang stewardess at ang private wedding ceremony ay idinaos sa Las Piñas.

Ang nakatuluyan ng binansagang ‘Scottie to Hottie’ ay si Jinky Serrano na isa ring social media influencer mula sa Pampanga.

Nasopresa ang fans ng Gin Kings sa biglang pagpapapakasal ni Scottie. Akala ng iba, ang kanyang nobya noon na si Pauline Fajardo ang pakakasalan niya. Pero, sinabi nitong hiwalay na pala sila noon pang New Year’s Eve.

“Ako yung dahilan bakit kami naghiwalay, nagkamali ako, magpapakalalaki ako tanggapin ko lahat ng ibabato ninyo sakin na masasakit na salita,” ani Scottie.

Nagbigay naman ng kanilang saloobin ang fans. Anila, may rason si Scottie kung bakit si Jinky ang pinakasalan niya.

Oks lang ‘yan wala naman tayong alam sa totoong nangyari. Di palaging papabor sa’tin ang panahon. Marahil ginusto nila ‘yan. Nakakadismaya man ang mahalaga masaya s’ya kung ano man ang nangyayari ngayon.” sabi ng netizen na si Marvin Bustarde.

Ngunit, may ilan naman na nakisimpatiya sa dati nitong nobya na si Pau. Kung saan ay nagproposed din dito si Scottie.

Breaks my heart for Pau! Yung tao na nandun nung nagsisimula ka palang til nung successful ka na tapos nagpropose ka pa.”

After 2 months ng hiwalayan nyo nagpakasal ka na? Like huh?! What a BS..truly a betrayal! Namiss na cguro mag basketball kaya rebound kung rebound,” ayon sa isang netizen.