KINUMPIRMA ng FIFA na ang Saudi Arabia ang napiling mag-host ng 2034 World Cup.
Samantala, inanunsiyo rin ng FIFA na ang 2030 edition ay paghahatian ng mga bansang Spain, Portugal at Morocco.
Maraming grupo naman ang hindi sang-ayon sa pag-host ng Saudi Arabia ng nasabing torneo.
Ayon kay Michael Page ang deputy director ng Middle East at North Africa ng Human Rights Watch, na magkakaroong ng maraming paglabag sa hosting ng Saudi Arabia.
Ilan sa mga issues na maaring lumabas ay ang pang-aabuso sa mga migrant workers, freedom of speech at ang karapatan ng mga minority groupsa Saudi Arabia.
Noong mga nakaraang taon ay patuloy ang ginagawang investment ng Saudi Arabia kung saan doon na ginanap ang boxing, esports at Formula One.
Sa hosting ng Saudi Arabia ng World Cup ay magtatayo sila ng 11 stadiums at 185,000 na mga bagong hotel rooms. RON TOLENTINO
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust