Pormal nang binuksan ang One Stop Shop satellite office ng Pasay City Hall sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Kasunod nito lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang pamunuan ng SM mall at Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pagpapasinaya ngayong Umaga.
Ayon kay Mayor Emi Calixto Rubiano, ang pagbubukas ng sateline office ay upang madecongest ang mga nagtungo sa Pasay City Hall at mapabilis ang pagproseso sa pagkuha ng mga residente ng work permit ganun din para sa mga requirements tulad ng SSS, Pag Ibig at iba pa.
Inaasahan kasi ang pagdagsa ng mga kukuha ng work permit kung saan inaasahan ang 60 to 100 kada araw ang mag aaplay dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa lungsod.
Paalala ng Alkalde kailangan lamang na kumpletuhin ang kanilang requirements bago magtungo sa naturang tanggapan para sa agarang pag release ng work permit.
Mahigpit pa rin ipapatupad ng lungsod ang health protocols sa satellite office upang ma maintain ang zero Covid-19 infection, at magtuloy tuloy na ang pagbangon ng Pasay City.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA