January 23, 2025

SARINA BOLDEN, BUMIDA SA PAGLAMPASO NG FILIPINAS SA AUSSIES

Bumida si Sarina Bolden sa isang upset win ng Filipinas kontra Aussies sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship. Kaya naman kumikig ang qualification ng home team sa Fifa Women’s World Cup.

Naging mitsa ng pagkapanalo ng Filipinas ang ginawang second half goal ni Bolden sa Rizal Memorial Stadium, 1-0. Dahilan upang itala ang historic win kontra Australia. Sa kabila na maulan nang idaos ang laro, hindi tumupi ang Filipinas sa 60 minutes off fight.

Matagumpay na naisalpak ni Boden ang goal mula sa throw-in ni Eva Madarang. Natuwa naman ang mga fans sa panalo ng PH squad sa Under 23. lalo na ang talunin ang Top 10 seed na Australia sa mundo.

Ang nasabing regional game ay nadelay dahil sa pandemya.

That’s more than a big win,” ani coach Alen Stajcic. “To beat a team that has been in the top 10 in the world for the last 10 years is amazing. Maybe they don’t have some of their key players, but it’s an international fixture and you have to beat whoever’s out there,” aniya.

Ang resulta ng laro ay nagbigay sa Pilipinas ng positibong pag-asa; na ma-secure ang semifinals berth.Na nais ding mapabilang bilang two best teams sa Group A. Ka-level ng bansa ang Thailand na may 3 points. Naungusan naman nito ang Indonesia mula sa 4-0 win sa Biñan, Laguna.