December 26, 2024

SARA, LENI NAG-REACT SA “WOMEN POWER”

MANILA – Nagbigay ng magkaibang reaksyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at lider ng oposisyon na si Vice President Leni Robredo kaugnay sa pahayag ng pangulo na hindi para sa babae ang pagkapangulo.

“That is his opinion. And it is up to the people if they will respect or react violently (to it),” sambit ni Duterte-Carpio sa kanyang City Disaster Radio program isang araw matapos ang controversial remaks ng kanyang ama.

Nandigan din ang anak ng Pangulo na hindi siya tatakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na taon at hindi gagayahin ang ginawa ng ama na “last minute” nang magbago ang isip.

Sa kabilang dako, nabanggit naman ni Robredo ang mga bansa na pinamumunian ng mga kababaihan bilang “best performing” nitong kasagsagan ng novel coronavirus crisis.

Inihalimabawa ninto ang New Zealand sa ilalim ng pamumuno ni Jacinda at Germany sa ilalim ni Angela Merkel.

Hindi inaalis ni Robredo ang posibilidad ng pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Noong nakaraang Huwebes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa-Duterte na hindi tatakbo ang kanyang panganak na anak na babae sa presidential elections na 16 buwan na lamang simula ngayon. “This is not for a woman.  “You know, the emotional setup of a woman and a man is totally different. It will drive you nuts. This is the sad story,” ayon sa presidente.