Nangununa si Davao City Mayor Sara Duterte sa isinagawang survey ng OCTA Research na napipisil ng mga Filipino bilang presidente sa susunod na botohan.
Pumangalawa naman si Senator Grace Poe na sinundan ni Senator Manny Pacquiao.
Isinagawa ang survey mula sa 1,200 respondents noong January 26 hanggang February 1.
“Narito naman po ang listahan ng maaaring kumandidato sa pagka-Presidente ng Pilipinas sa Mayo 2022 eleksyon. Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon at ang kandidatong ito ang tatakbo sa pagka-Presidente, sino sa kanila ang pinakamalamang na iboboto ninyo? Maari po kayong pumili ng isa sa mga pangalan dito,” saad sa katanungan ng survey.
Maging sa vice president race, nanguna pa rin si Duterte na sinundan ni Manila Mayor Isko Moreno at Pacquiao.
Samantala, sa usapin ng Senate race, nakita sa OCTA poll na 20 mula sa 36 pangalan ang may statistical chance para makapasok sa Top 12.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA