INANGKIN ni Patricia Santor ng Ilustre East Aquatics Club ang dalawang gintong medalya para pangunahan ang mga tampok na batang swimmers sa pagsisimula ng ‘Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Meet Leg 1 nitong Sabado sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Nanguna ang 16-anyos Senior High sa University of Santo Tomas sa girls 16-yrs 200m breaststroke at 100m freestyle, na nagtala ng 2:50.68 at 1:02.80, ayon sa pagkakasunod, sa Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sanctioned meet na kung saan umaakit ng kabuuang 480 manlalangoy mula sa 38 swimming club.
“Nasa kondisyon po. Binigyan po ako ng dagdag load sa training ni coach Ramil (Ilustre), medyo hindi naging maganda yung performance ko last National Trials, kaya bumawi kami ngayon,” sambit Santor, miyembro ng Philippine Team sa Asian Age Group Championships nitong Pebrero sa New Clark City.
Tinalo ng magandang junior standout sina Kassandra Macaraig ng South Warriors (2:27.44) at Alessandra Doniego ng Golden Sea Eagles (3:33.76) sa 200m breast bago nangibabaw laban kina Savinnah Oliveros ng Flying Lampasot (1:05.43) at Nichole Rivera ng Golden Sea Eagles (1:05.43) sa 100m free.
Hataw din sina Las Pinas pride Nicola Queen Diamante at South Cotabato phenom Jie Angela Mikaela Talosig na nangwagi sa kani-kanilang age group class sa torneo gamit bilang bahagi ng PAI National ranking system katuwang ang Speedo, Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).
Si Diamante, isang Grade 9 student sa Augustinian Abbey at bahagi ng RSS Dolphins club, ay nanguna sa girls 13 yrs.-old 100m free sa oras na 1:07.48, kontra kina Shannen Baldereas ng QC Waves (1:07.72) at Sandy Martin ng Village Sports (1:07.78), habang si Talosig ng Midsayap Pirates ay nanalo sa 18 yrs-old 100m free class (1:01.80) laban sa San Beda teammates na sina Alyssa Pablo (1:03.80) at Cheera Duran (1:03.87).
Ang iba pang mga nagwagi ay sina Loure Santiago ng Flying Lampasot sa boys 7 yrs old 100m free (1:29.88); Damian Cupcupin (8-yrs old, 1:32.15); Mikhael Mojdeh (9-yrs old, 1:17.21); Christian Uy (10-yrs, 1:11.73); Alli Delos Reyes ng Santa Rosa Swim Club sa girls 6-yrs old 100m free (2:41.12); Sophia Clara Quingco (8-yrs, 1:47.31); Alessandra Hequibal (9-yrs, 1:12.47); Jemimah Reyanna Dumpit (10-yrs, 1:15.89); Findlay Mackenzie ng Elizabeth Seton sa boys 11-yrs-old 100m free (1:04.36);
Titus Sia (12-yrs, 1:03.84); Vynz Tadulan (13-yrs, 1:00.78); Aishel Evangelista (14-yrs, 57.64); Matt Aaron Nerison (15-yrs, 57.28); Shiblon Montera (16-yrs, 58.02); Albert Jose Amaro (17-yrs, 53.10); Nimrod Montera (18-yrs, 55.44); Josh Baquiano (19-yrs, 53.50); Ceanna Mitra ng Rapid Dolphins sa girls 11-yrs=old 100m free (1:09.68); Sophia Garra (12-yrs, 1:03.07); Krystal David (14-yrs, 1:04.62); Kristine Jane Uy (14-yrs, 1:04.12); Kriztel Napallatan (17-yrs, 1:04.56) at Janelle Chua (19-yrs, 1:01.35). (DANNY SIMON)
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan