NASAGIP ang isang apat na buwang gulang na sanggol sa Taguig City mula sa online child trafficking na ibinebenta ng kanyang ina at tiyahin.
Ayon kay Philippine National Police (PNP), nailigtas ang sanggol na ibinenta sa dark web sa ikinasang misyon sa pangunguna ng Women and Children Protection Center.
Ang naturang sanggol ay kabilang lamang sa 636 na biktima ng child exploition na nasagip ng mga awtoridad simula 2022.
“The PNP stands firm in its fight against all forms of child exploitation. These 636 rescued victims represent lives saved and futures restored. Every rescue mission is a step closer to justice and a safer environment for our children,” ayon kay Marbil.
Binanggit din ni Marbil ang lumalaking papel ng artificial intelligence (AI) sa pagpapahusay ng investigative efforts, partikular sa pagtugon sa mga online na krimen.
“AI-powered tools are transforming the way we solve crimes and rescue victims, especially in cases involving the dark web. These technologies enable us to analyze vast amounts of data, identify suspects with greater precision, and swiftly respond to emerging threats,” saad niya.
Aniya pinabilis ng AI-assisted investigations para matukoy ang mga sarlin, na nagbigay-daan para maligtas ang mga biktima at nagpadali sa matagumpay na pag-uusig.
Dahil dito, hinimok ni Marbil ang publiko na “manatiling mapagbantay at maagap” sa pag-uulat ng anumang pinaghihinalaang kaso ng pagsasamantala sa mga bata.
“We urge every Filipino to take part in this fight. Protecting our children is a shared responsibility, and by working together, we can ensure their safety and well-being,” saad niya.
Simula 2022, umabot na sa 307 operasyon ang naisagawa ng PNP na target ang mga krimen na may kaugnayan sa online sexual abuse at exploitation of children, 145 sa mga ito ay isinagawa noong 2024.
“These efforts have led to the arrest of 167 suspects, the filing of 218 cases, and 12 convictions to date,” saad ni Marbil.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA