
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa Cebu City ang isang 3 buwang gulang na sanggol na babae sa isang multicab sa Barangay Labangon.
Martes ng gabi, nang kumpirmahin ng pulisya na isang sanggol ang natagpuan sa loob ng isang multicab sa Sitio Capucolan, Barangay Labangon. Agad nagresponde ang Department of Social Welfare Services at nagpadala ng social workers sa lugar, na nagdala sa sanggol sa Cebu City Medical Center (CCMC) para sa medical evaluation.
Sa kabutihang palad, lumabas sa eksaminasyon na maayos ang kalusugan ng bata at ngayon ay nasa pangangalaga ng isang ampunan sa South Road Properties (SRO).
Naglunsad na ang Punta Princesa Police Station (Station 10) ng malawak na imbestigasyon para makilala ang walang pusong ina nag-abandona ng sanggol sa lugar.
More Stories
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA
‘Fire Prevention Month’ sa Las Piñas City pinangunahan ni Cynthia Villar, BFP