
Naging maganda ang pagbabalik ni San Miguel Beermen import Jordan Adams matapos talunin nila ang Phoenix 139-127 sa nagpapatuloy na 2024 PBA Governors’ Cup.
Ito na ang naging pangatlong sunod na panalo ng Beermen sa laro na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.
Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Beermen sa Group B.
Nagtala ng 49 points si Adams habang mayroong 23 points si CJ Perez at 22 points naman ang naitala ni June Mar Fajardo.
Nasayang ang ginawang 48 points ni Brandone Francis at 18 points ni Jason Perkins ng FuelMasters. (RON TOLENTINO)
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO