Nag-alok ng P1 milyong pabuya ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at lokal na pamahalaan ng Bulacan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa gunmen na pumatay sa hepe ng pulisya sa bayan ng San Miguel.
Sa nakalap na impormasyon mula sa Police Regional Office 3, binaril sa ulo si San Miguel Police chief PLtCol Marlon Serna ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin sa nangyaring police operation sa Barangay Buhol na Mangga sa bayan ng San ildefonso noong Sabado ng gabi.
Ayon sa PRO3, pinangunahan ni Serna ang follow-up operation kaugnay sa nangyaring holdapan sa Barangay San Juan sa San Miguel. Lulan ng motorsiklo ang dalawang suspek nang mamataan sa Barangay Buhol na Mangga sa San Ildefonso.
“The suspects immediately fired at the responding team, hitting PLtCol Serna in the head, before fleeing towards Brgy. Akle, San Ildefonso, Bulacan,” ayon pa sa ulat.
Sinugod si Serna sa Emmanuel Hospital kung saan siya namatay habang ginagamot, ayon pa sa PRO 3.
Ipinag-utos ni Central Luzon Police Director PBGen Jose Hidalgo Jr. na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa pamamaslang at inanunsiyo na magbibigay ng P1 milyong reward sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga salarin.
Aniya ang P500,000 ay mangggaling sa DILG, P300,000 sa PRO3, P200,000 sa PNP at P200,000 mula kay Bulacan Governor Daniel Fernando.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW