January 23, 2025

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL SA PASAY, APAW NA NG COVID-19 PATIENTS

Pansamantala munang nagsuspendi sa pagtanggap ng mga nagpopositibo ng COVID-19 ang San Juan De Dios Hospital sa Pasay City dahil napuno na rin ang kanilang pasilidad ng mga paseyente habang patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa uniiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong NCR. (Kuha ni JHUNE MABANAG)

Nag-abiso na rin ang San Juan de Dios Hospital na puno na ang kanilang bed capacity sa COVID-19 wards.

Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Sa labas ng ospital, naglagay ng karatula ang pagamutan na nagsasaad ng mga katagang “Full Capacity for COVID-19 Cases.”

Patuloy naman ang pag-iikot ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) para matulungan ang mga ospital na mapalawak ang kanilang bed capacity.

Gumagawa na rin ng hakbangin ang DOH para sa decongestion ng mga ospital kung saan inililipat sa mga hotels at isolation facilities ang mga pasyenteng hindi naman malala ang kaso.

Lumalabas kasi sa pag-iikot ng DOH na marami sa mga naka-confine sa mga ospital ay mild at asymptomatic lamang.