NATAKASAN ng Santa Rosa Lion Saints ang Bayabas Kennel Leaf,76-75 upang makapasok na sa win column sa pagpapatuloy ng Sinag Liga Asya @40 nitong weekend sa One Arena sa Cainta, Rizal.
Umentra sa laro ang magkabilang panig na may parehong tagilid na kartadang 0-2 kaya’t kapwa nila kailangang magtala ng panalo upang makaiwas sa palubog na kartang 0-3.
Dikdikan ang laban mula unang yugto pero nakuhang umalagwa ng tropang Bayabas ni head coach Airness Alao sa kaagahan ng third quarter sa mahusay na opensa sa perimeter at sa shaded lane upang dumistansaya ng 10 puntos pasimuno si ex- pro Bolo Lim kaagapay ang toreng si Anthony Cuevas.
Nakuhang tapyasan ng Saints ni coach Dave Gomez ang kalamangan sa pangunguna ni Gilbert Malabanan upang itabla sa 59 sa 4-point play ni Ronnie Manguiat pag- tunog ng third quarter buzzer.
Palitan ng hostilidad ang Saints at Kenny Leaf sa final period hanggang sa krusyal na endgame.isinalpak ni Cuevas ang kanyang freethrows sa huling 20 segundo upang dumikit ang Bayabas sa isang punto na lang.
Sa sumunod na opensa ay nakanakaw ng bola si Jun Elorsa 15 segundo ang nalalabi para sa golden opportunity pero sumobra ang ikot ng bola sa kanilang pinal na opensa subalit di nakuhang i-execute ng Bayabas upang maubos ang oras at ang Sta Rosa ang nakatakas sa wakas para sa unang kabig ng panalo sa liga kwarenta.
Tinanghal na best player of the game si Ronald Hawkins sa kanyang 19 points, 6 rebounds at 2 assists na produksiyon.
Nauna dito, tinambakan ng San Juan Exile ang AMB Mamba,82-69 Ang beteranong pointguard na si Mar Reyes ang game’s best player sa kanyang 27 points,6 rebounds, 2 assists ,2 steals at 1 block output.
Sa final game ng tripleheader,nasorpresa ang lahat sa pagpasok sa hardcourt ng Taytay Arki JProject players kasama ang bagong teammate na si ex-pro Willie Miller.
Kumbinsidong dinaig ng tropang Taytay ang Ball Up AWF,99-77 kung saan ay si Miller ang tinanghal na Player of the Game sa ligang inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pamumuno ni chairman Rocky Chan, president Ray Alao at commissioner Rodney Santos sa suporta ng IGT (Integrated Green Technology).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA