Ilang pamilya mula sa iba’t ibang barangay ng Caloocan ang nakatanggap ng tig-P10,000 sa pamamagitan ng “Sampung Libong Pag-asa” Program ni dating Speaker at Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.
Nataggap ng mga benepisyaryo ang P10,000 na ipinamahagi ni Congressman Egay Erice, kasama sina Kagawad Rudy Brin, Atty. Kingjohn Echiverri at PJ Malonzo.
Ayon kay Erice, ang mga piling benepisyaryo na nakatanggap ng cash aid ay mga taong labis na naapektuhan ang kabuhayan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nagpapasalamat naman sina Erice, kasama ang ‘Team Bughaw’ sa naturang programa na bahagi ng economic recovery plan ni Cayetano upang tulungan ang pamilyang Filipino sa pamamagitan ng pabibigay ng cash assistance para makabili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at buhayin ang pagkukunan ng kita sa gitna ng pagpapatuloy ng pandemic.
More Stories
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!
2 bata nagasaan ng taxi sa Caloocan, 1 patay, 1 sugatan
DOH PINURI NI BONG GO (Pag-aalis sa medicine booklet requirement ng senior)