May 19, 2024

SAM PINTO AT ANTHONY SEMERALD, PROUD SA PAGIGING FIRST-TIME PARENTS

Ganap na palang mommy si Sam Pinto at daddy si basketball player Anthony Semerald. Nagsilang kasi si Sam ng baby girl na pinangalanan nilang Mia Aya.


Excited na inanunsiyo ito ni Anthony sa kanilang Instragram account. Nanganak ang actress-model noong September 1. Kung saan, ipinakita ang kamay ng kanilang baby sa picture.
“I’m officially a Dad! So proud of you baby Sam, you were amazing! Hello, Mia Aya Semerad.” wika ni Semerald.


Inulan ng pagbati ang first-time parents ng kanilang showbiz friends. Kabilang na rito si Gwen Zamora, doctor Z Teo. Gayundin ang cager na si Jericho Cruz ng NLEX Road Warriors.


“Congrats Brotha!! Happy for you!” bati ni Cruz kina Sam.


“Yeehee! Congratulations again you two! Cutie fingers, Mia,” saad naman ni Gwen.