Ngayong wet season at madalas lagi ang pag-ulan, mahalagang malinis ang mga daluyan ng tubig. Sa gayun ay di bumara ang mga basura na nagiging sanhi ng pagbaha.
Malaking perwisyo ang baha sa Kamaynilaan. Dobleng sakit ng ulo. Humaharap na nga tayo sa COVID-19, peperwisyuhin pa tayo ng baha.
Kaya naman, saludo tayo sa ginawa ng ‘Estero Rangers’ na nilinis ang mga waterways sa ikatlong peryodo ng taon. Dineploy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 600 estero rangers sa mga daluyan ng tubig sa mga barangay.
Kung ihahambing sa mga health workers at frontliners— na humaharap sa COVID-19, ang rangers naman ang tila frontliners ng ating kapaligiran.
Kaya, napakahalaga nila lalo pa’t naniniguro tayo na magiging komportable tayo kahit umuulan. Kasi, alam natin di tayo babahain masyado.
Puntirya ng ahensiya na ipakalat ang 1,400 rangers, batay sa on-going implementation ng Manila Bay rehabilitation program.
Ang mga ‘rangers’ ay pawang mga community based workers. Kaagapay sila’t katuwang ng regional office upang gumabay sa mga residente.
Ang mga nakatira sa gilid ng waterways ay tinuturuan nila ng tamang waste disposal. Gayundin ng pagtalima sa gabay pang-kapaligiran ng DENR.
Isa pa sa silbi ng mga rangers ay ang pagmonitor sa ordinansa ng solid waste management sa mga barangay. Pati na rin ang pananatili sa kalinisan ng mga estero at ilog.
Kamakailan ay sumailalim ang ilang rangers sa orientation ng DENR-National Capital Region sa pamamagitan ng Zoom video communication app.
Ang programa ay pinangunahan ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline Caancan at EMB-NCR Regional Director Atty. Domingo Clemente Jr.
Nawa’y huwag magsawa ang mga rangers sa pagkilos para sa ating kapaligiran. Bilang pasasalamat sa kanila, dapat maging responsable tayo sa pagtatapon ng basura.Kaya, muli, saludo tayo sa mga ‘Estero Rangers’. Adios Amorsekos.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!