WALANG iba kundi ang Punong Ehekutibo/ Commander-in-Chief Pres. Rodrigo Duterte ang lumagda ng kaukulang promosyon ng ngayon ay Police Brig.Gen. Albert Ignatius Ferro – ang energetic na pinuno ng CIDG.
Pinagtibay ito ng kalatas kay DILG Secretary Año na effective immediately upon receipt kamakailan lang.
Dahil sa ganitong tiwala at pagkilala kay Gen. Ferro mula mismo sa Pangulo, aniya ay lalo pa niyang paiigtingin ang kanyang sinumpaang tungkulin partikular sa pangangalaga ng kapayapaan sa bansa.
Ang kanyang pinamumunuang dapartamento ng Kapulisan ay lalo pang lalawig ang kampanya kontra masasamang elemento nang lipunan lalo na iyong mga halang na mga dayuhan sa kooperasyon ng lahat nang galamay nito sa buong kapuluan upang malambat ng mahabang kamay ng batas ang mga salot at perwisyo sa tao at mga ari-arian pati kapaligiran.
No dull moments ang operatiba nito upang makamit na ang tunay na katiwasayan, kapanatagan ng loob ng mamamayan at kapayapaan ng ating bansa ayon na rin sa direktiba ni PNP Chief Debold Sinas.
Ito kasi ang plataporma ni PDigong sa sambayanan ang malasakit sa peace-loving Filipinos.
Hindi uso kay Gen Ferro ang ‘ningas- cogon kaya humanda na ang mga pesteng elemento sa ating sambayanan.Saludo ang korner na ito sa inyo..congrats and more power BGen.Ferro SIR! Lowcut: Nitong mga nakaraang araw ay walang puknat ang pagtugis at paglambat ng operatiba ng CIDG sa iba’t-ibang bahagi ng bansa partikular sa mga lungsod kung saan ay pawang mga big fish na kriminal ang bumagsak sa kanilang galamay tulad ng mga most wanted persons, mga mandarambong, organized syndicates, sa droga at iba pang epektos, lokal at dayuhang swindlers na estapador at scammers, rapists at mga dayuhang sumisira ng marine wealth para sa napakalaking pera sa mga taklobo. Naisalba dito ang potensyal na masamang epekto sa livelihood at sa ekonomya.Iyan ay dahil sa no- holds – barred na pamumuno ni BGen Ferro. HIGH FIVE SIR!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!