Inaprubahan ng House tax panel ngayong Lunes, ang tax provision ng panukalang House Bill (HB) No. 6398 o ang Maharlika Investment Fund Act, kung saan tiniyak na ang tax benefits ay mapupunta sa investment fund at hindi sa bulsa ng mga executive at iba pang opisyal.
Punto ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, tserman ng House Ways and Means na nanguna sa pag-apruba ng tax provisions, na may sapat na safeguard ang kanilang inilagay para maprotektahan ang pondo sa nasabing panukala bilang paghahanda para sa talakayan sa House floor.
Ang aprubadong tax provisions ay binalangakas ng tax committee’s team at pinagtibay sa technical working group (TWG) bago ang pagpupulong.
Sa isang pahayag, sinabi ni Salceda na itong tax provision ay titiyakin na ang benepisyo ng tax saving ay mapupunta sa investment fund at madaragdagan ang potential returns para sa Social Security System (SSS) at sa Government Service Insurance System (GSIS).
“Some P680 million in tax savings will inure to the fund every year as a result of this exemption. That goes towards making the SSS and GSIS funds more robust. That means more funds for pensions,” paliwanag ng mambabatas.
Sa pagkilala sa mga kontrobersyang nakapalibot sa panukalang batas, tiniyak ng mambabatas sa mga miyembro ng minorya sa House tax committee na ang lahat ng mga alalahanin sa probisyon ay isasaalang-alang, dahil ang bersyon ng House TWG ay “maari pa ring magbago.”
Sa ilalim ng probisyon na iminungkahi ni Salceda sa TWG, tinitiyak ng isang pananggalang “na ang mga exemption na ipinagkaloob dito ay talagang gagamitin, direkta, eksklusibo at para lamang sa mga transaksyon ng o may kinalaman sa MWFC at MWF, at hindi para sa mga layunin ng mga executive ng MWFC at/ o mga empleyado, mga ikatlong partido, at iba pang natatanging mga entity na nabubuwisan.”
Sinabi ni Salceda na tinitiyak nito na ang Pondo ay hindi gagamitin bilang pass-through upang payagan ang iba na umiwas sa buwis.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI