Ipatutupad ng PBA ang salary deduction sa mga teams at personnel. Ito’y upang makabangon sa financial stress dulot ng pandemic.
Katunayan, nirekomenda ni Komisyoner Willie Marcial sa board of governors ang 20-percent pay cut sa mga players.
Gayundin sa mga coaches at kanilang assistants, team managers at ilang league employees.
“Ang hindi kasama ay ‘yung mga utilities. Hindi kasama sa cut na napag-usapan namin with the governors,” ani Marcial .
“It’s about time na kami naman magbigay ng kontribusyon sa mga teams, sa mga teams owners sa liga na sinuportahan kami for 16 months.”
Sinabi pa ni Marcial na walang tumutol sa kanyang plano. Naiintindihan nila kung bakit kailangang ipatupad.
“Wala namang umangal. Walang umangal sa kanila,” ani Marcial sa meeting ng team representatives. Kung saan, tinalakay ang plano sa pagkasa ng Season 46 ng PBA.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!