ORLANDO (AFP) – Kumayod ng monster triple-double si Luka Doncic upang akayin ang Dallas Mavericks sa panalo kontra Sacramento Kings, 114-110 sa overtime.
Nagtala ang 21-anyos na Slovenian ng 34 puntos, 20 boards at 12 assists. Nag-ambaga naman ng tig-22 sina Tim Hardaway Jr. at Kristaps Porzingis.
Ang statistics ni Doncic na 30 points at 20 boards triple-double ang nagluklok sa kanya bilang youngest player sa NBA history na nakagawa nito.
Impresibong nahabol ng Mavs ang 11 kalamangan ng Kings at naikasa ang laro sa overtime.
“It wasn’t our best game – far from that,” aniDoncic.
“We fought, we hung in there, we helped each other, we never gave up. We needed that win and you can never count us out for sure.”
“Nothing came easy in this game at all,” ani Mavericks coach Rick Carlisle.
“It was a struggle, and everybody kept everybody together, and we just kept saying, ‘Hey, we’re going to find a way,’ and guys were encouraging each other.”
Ang pagkapanalo ng Mavs (41-29) ay gumarantiya sa team ng playoff place sa Western Conference.
Samantala, narito ang iba pang resulta ng laro sa NBA restart ngayong araw
Phoenix 117, LA Clippers 115
Brooklyn 119, Milwaukee 116
Indiana 120, Orlando 104
Miami 112, Boston 106
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!