December 23, 2024

SAAN IPALALABAS ANG NBA GAMES RESTART, SA CNN PHILIPPINES BA O SA TV5?

Ilang tulog na lang at muling magbabalik action ang inaabangang NBA games matapos ang apat na buwang pagtigil dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang restart ay isasagawa sa Walt Disney World Orlando,Florida tampok ang 22 teams na maglalaban-laban para sa playoffs spot na magsisimula sa July 30 ( July 31 sa Pilipinas).

Dahil sa maraming basketball fans ang labis na nananabik na muling makapanood ng NBA games, palaisipan sa kanila kung saang channel ipalalabas ang laro.

May dalawang option ang mga fans kung saang channel ipalalabas ang laro. Una, kung sa CNN Philippines ba o sa TV5?

Nagtatanong sila kung saang channel ipalalabas ang laro. Ganyan ang siste sa social media, lalo na sa Facebook page ng NBA Philippines.

Kaugnay dito, walang pahayag ang CNN Philippines kung sila ang muling mag-i-eere ng NBA games; gaya noong nakaraang taon kung sana ang naturang istasyon ang nakakuha ng rights.

Subalit, pagkatapos ng NBA All-Star game noong Pebrero 2020, huminto na ang pagsasahimpapawid ng CNN sa NBA, bunsod na rin ng pagkalat ng Coronavirus pandemic.

So far, wala… ‘yan ang malaking question mark? Puzzled tayo kung saang channel ipalalabas ang NBA. About CNN Philippines, wala… wala silang confirmation kung sila uli ang magbo-broascast ng NBA games,” ani ng isang source sa isang panayam.

May ilan naman na akala ay sa TV5 ipalalabas ang NBA dahil sa nakitang clip ng mga sports na itinatampok ipalabas ng naturang istasyon; gaya ng PBA, UFC, WWE, PSL, NFL at iba pa. Nakita roon ang clip ng NBA.

Sana nga, sana TV5 ang mag-eere ng NBA. But as of now, mahirap pang mangapa. Hindi natin alam ang detalye rito. I hope so… Kahit ilang sports hosts at mga ilang kaibigan nating taga-Kapatid Network, na tinanong natin about dito, wala silang alam,” pahayag ng isang source sa isang private message.

Malay natin maipalabas kahit isa dun sa dalawang channel na nabanggit natin. So far sa Kapatid network, tahimik. Wala tayong mapiga pang information sa ngayon. Mayba in the following days, magkaalaman na kung sino ang nakuha ng rights na magsa-ere ng NBA.”

Sa panayam pa sa mapagkakatiwalaang source, nabanggit din ang tungkol sa bagong channel na One Ph, na maaaring doon ipalabas ang NBA. Ang One ay bagong channel ng Kapatid Network na pormal na magsasa-ere sa July 20.

Yung One kasi, UHF channel siya. Meron naman. Napapanood naman sa Channel 41. Kung doon ipalalabas ang NBA, malabo siguro dahil kaunti ang nakaaalam nun. Baka replays siguro. Let’s wait and see na lang. Abang-abang lang,”dagdag pa ng source.