November 3, 2024

Sa paglakas ng demand sa Electric Vehicle, ‘oil era’ nanganganib

Magandang araw mga Ka-Sampaguita. Nawa’y lagi po kayong nasa mabuting kalagayan. Sa nakalipas na halos 150 taon, naging in-demand ang langis.

Ginagamit ang langis sa mga behikulo at sa industriya upang mapagana ang ilang equipment at pasilidad. Gayunman, sa pakikipagsanib nito sa teknolohiya, naapektuhan naman ang kalikasan.

Milyung-milyong sasakyan ang pumaparoo’t parito. Mula sa kalupaan, himpapawid at karagatan— gumagamit ng langis o oil, petrol at diesel engines.

Dahil dito, naging mababa o marumi na ang kalidad ng hangin, lalo na sa mga kalungsuran. Ang labis na carbon emissions ay nakadagdag sa paglala ng climate change.

Kaya naman, mainam ang umuusbong na merkado ng electric vehicles. Ayon sa mga dalubhasa, makatitipid ng $250 billion kada taonm kapag ganito ang siste.

Mababawasan din nito ang global oil demand, na tila buwitreng nagmamanilupa sa taas-baba, baba-taas presyo ng langis.

Sa ngayon, iniiba ng bansang China at India ang kanilang sistema. Pinaiinam nila ang paggamit ng electric fleet. Kaya naman, nababawasan ang pang-angkat ng langis.

Magiging mura na ang mga EV dahil dito liliit ang demand sa fossil-fuel-fired na mga behikulo.

Ayon sa Carbon Tracker, nakitang nakatitipid ang China sa pag-shify ng mga tao sa EV. Gayundin sa bansang India. Ayon pa sa analysis, malapit na ring yumakap ang ibang nasyon sa EV at pagtakwil sa fossil fuel. Mas ligtas aniya ang EV kaysa sa una.

 “This is a simple choice between growing dependancy on what has been expensive oil produced by a foreign cartel, or domestic electricity produced by renewable sources whose prices fall over time,” ani Kingsmill Bond, Carbon Tracker energy strategy at lead report author.

“Emerging market importers will bring the oil era to an end.”

Kung lalago ang senaryo ng paglipat ng ilan sa EV, iigi ang lagay ng kalikasan sa susunod na 10 taon. Bababa naman ang demand sa langis. ‘yan ay depende pa rin sa pagpili ng tao.

Ano ba ang mas maigi, sasakyang pinatatakbo ng langis o ng kuryente? Adios Amosekos.