
Huling season na ng Alaska Aces ang paglalaro sa Governor’s Cup. Nagpahayag na kasi ang Alaska Milk Corporation (AMC) na aalis na sila sa liga.
Kaugnay dito, 7 kompanya umano ang interesado sa prangkisa ng Alaska. Mismong si Commissioner Willie Marcial ang nagkumpirma rito.
” May ilang nagparamdam after na in-announced ng Alaska ang pag-alis sa PBA. Serious ang tatlong company na makapasok sa liga,” ayon kay Marcial.
Ayon naman kay ‘The Dean’ Quinito Henson, 5 ang inquiries sa franchise at 3 ang serious buyers.
Gayunman, hindi inilahad ni Marcial kung anu-anong company ito. Para makasampa aniya sa PBA, dapat munang ma-aprubahan ng two-third ng board ang papalit sa Alaska.Gayundin ang pagtiyak na may pondo ito para mag-manage ng team sa liga.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo