LOS ANGELES (AFP) – Natalo ang defending champs Los Angeles Lakers sa Los Angeles Clippers sa opening night ng 2020-21 NBA season.
Inipit ng Clippers ang Lakers, 116-109. Nanguna sa panalo ng Clippers si Paul George. Bumuslo si George ng 33 points.
Kumana ito ng 26 points sa second half mula sa naitalang 7 sa first.
“I got into a good rhythm making plays for the team,” ani George
“That’s how I catch fire – I let the game come to me. I took the shots when they were available.”
Nagdagdag naman si Kawhi Leonard ng 26 points. Samantala, pumukol naman ng 22 points si LeBron James sa Lakers.
Nagdagdag naman ng 18 si Anthony Davis. AngGerman point guard naman na Dennis Schroder ay nagtala ng 14 points, 12 boards at 8 assists.
Idinaos ang laro sa Staples Center. Kung saan natanggap ng Lakers ang diamond at amethyst championship rings.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT