November 3, 2024

Sa kabila ng COVID-19 bubble scare; ‘officiating ng PBA games, hindi mako-kompromiso’— PBA Comm. Marcial

CLARK FREEPORT – Tiniyak ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi mako-compromised ang officiating ng liga. Ito’y sa kabila na binawasan muna ang pansamantala ang referees dahil sa Coronavirus.

May napaulat na mayroong referee na nagpositibo sa COVID-19. Na nagdulot ng pangamba sa bubble. Mula sa 15, pito na lamang ang natirang referees. Isa sa kanila ang nagpositibo sa swab test na isinagawa noong October 19.

Ang natirang 7 ay inilistang close contacts ay isasailalim naman sa isolation. Asymtomatic ang nasabing opisyal. Isasailalim ito sa RT-PCR test at 14-day quarantine.

Gayunman, negatibo naman ang resulta ng antigen test nito. Na maaaring ‘false positive” ayon sa joint statement ng PBA, CDC at BCDA.

 “Para sakin hindi maapektuhan ang officiating,” ani Marcial sa a phone interview.

Ang ginagawa lang namin is pini-pacing namin sila ngayon. Sana lang hindi sila mapagod. So, wala akong nakikitang ibang epekto,” aniya.