May 19, 2024

Sa hiwalayang isyu… DOMINIC ROQUE, WALANG BIGAT NA DINADALA

PARANG walang nangyaring hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo, dahil ang awra ni Dominic ay mas lalo pa itong pumogi sa paningin ng kanyang mga followers.

“Alam n’yo koboy si Dominic Roque, kita ninyo dedma siya sa break up nila ni Bea Alonzo. Wala kasi siyang arte sa katawan, kaya enjoy niyang kasama mga grupo niya sa EuroMonkeys na sina Richard Gutierrez, Kim Atienza, Dingdong Dantes at iba pang mahilig mag-motor at mag-travel. “Sa una lang naman iyong sakit, pero mas pinili niyang maging masaya. Mabuti na lang at hindi sila nagkatuluyan ng isang babaeng ma-pride at may attitude,” chika pa ng aking source.