May 18, 2024

Sa halagang P1 milyon…HARLENE BUDOL APAW NA ANG KOMPIYANSA SA KANYANG SARILI

PANG Beauty Queen na talaga ngayon ang alindog nitong si Harle ‘Hipon’ Budol, hindi mo aakalaing tatanyag siya ng husto. Gaano kaya katotoong P1 milyon ang ginastos ni Harlene? Pero bongga talaga ang transformation ni Harlene, kaya naman kampanteng-kampante na ang actress.
“Hindi ikinahihiya ni Harlene, kung saan siya nagmula. Kaya naman lalo siyang pinagpala, at ginamit niya ang utak niya para marating ang gusto niyang marating.

“Ngayong angat na ang confidence niya, maski si Doc John Paul ay naniniwalang wala ng dapat pang baguhin sa actress. Dahil nagawa na niya ang dapat gawin.

“Tungkol naman sa kung magkano ang halaga ng confidence ngayon ni Harlene, ang sagot niya 1M with a smile,” masayang kwento ng aking source.