November 3, 2024

RUSSELL WESTBROOK,TUMUTULONG SA MGA BATANG NASALANTA NG KALAMIDAD

May ginintuang puso si basketball star guard Russell Westbrook na naglalaro ngayon sa LA Lakers. Katunayan, kilala siya sa kanyang philanthropic work. Kung saan, may nag-o-organisa at nagsasagawa ng charity work gaya ng feeding program sa mga residente ng Oklahoma at Los Angeles. 


Ginagawa niya ito lalo na kung Thanksgiving. Kung saan, gumugugol siya ng oras sa mga bata upang bigyan sila ng pagkain, sapatos, backpacks at t-shirts. Naging panata na niya ang kawanggawang  para sa mga bata. May foundation din siya para rito upang makatulong sa mga batang nangangailangan.

Ito ay tinatawag niyang “Why Not?” Foundation, kung saan pinasimulan niya ang pagtulong sa mga bata noong taong 2012 na kapuspalad at nasalanta ng kalamidad. Binabasahan niya rin sila ng mga kuwento sa libro sa kanyang programang ” Russell’s Reading Room” na naglilibot sa ilang paaralan. Dahil sa gawaing ito, nakatanggap ng parangal si Westbrook bilang ” Community Assist Award”.