Sa wakas, muling magbabalik aksyon si heavyweight boxing icon ‘Iron’ Mike Tyson.
Tuloy na ang laban nito. Pero, hindi sa isang boksingero.
Hindi rin sa lona ang laban, kundi sa dagat.
Nakatakda kasing lumaban ang 54-anyos na si Tyson isang pating sa Agosto 9.
Ito ay ipalalabas sa US TV special na may pamagat na Tyson Vs Jaws: ‘Rumble On The Reef this August’.
Ang nasabing laban ay bahagi ng Shark Week at batay na rin sa research ng Discovery Channel.
“With famed ring announcer Michael Buffer calling the shots, these two heavyweights will square off underwater, where Mike Tyson will try to score a TKO over the massive shark,” wika ng network.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT