Hindi basta-basta si Rubilen Amit! Isa siya sa pinakamalalaking pangalan sa Philippine billiards, kapantay nina Efren “Bata” Reyes at Django Bustamante—pero sa larangan ng mga kababaihan, siya ang hari.
Ngunit sa World Games ngayon, hindi madali ang laban para sa Cebuana ace. Sugatan siya — may iniindang kondisyon na hindi pa niya gustong ipaalam hangga’t hindi pa kumukumpirma ang doktor.
Pero imbes na umatras at magpahinga, pinili ni Amit na ipakita ang kanyang tapang at patunayan na para sa bayan, walang hadlang.
“Matagal ko nang iniinda ito,” sabi ni Amit habang kumakain sa Athletes’ Village nitong Biyernes, Agosto 8.
“Isa itong hamon. Pero gagawin ko ang lahat para sa bansa,” dagdag pa ng dalawang beses na 10-ball world champion at 2024 9-ball titlist.
Kamakailan lang, umatras siya sa World Pool Championship sa Jeddah, Saudi Arabia dahil sa parehong kondisyon.
“Siguro stress o pagod lang, pero gusto ko lang talagang maglaro at ipaglaban ang Pilipinas. Pangako ko ‘yan sa sarili ko,” sambit ng 43-anyos na si Amit.
Simula Agosto 10, kakalaban niya sa Civil Aviation Flight University of China – Tianfu Campus ang top 12 sa 10-ball event para sa medalya sa Chengdu.
Handa siyang isugal lahat para sa tagumpay! (RON TOLENTINO)
