Todo depensa ang akor na si Romnick Sarmenta sa GF si Barbie Ruaro. Pinasinungalingan nito ang sabi-sabi na scammer ang kanyang asawa. Business ni Barbie ang pagbebenta ng luxury bags. Pero, may mga nagsabing fake daw ang produkto.
May ilan na nagsasabing ibalik ang kanilang pera. Dahil hindi pa raw dumarating ang mga in-order nilang bag. Nagpaliwanag naman si Romnick dito sa vlog ni Ogie Diaz.
Wala raw kasalanan ang kanyang asawa. Ito pa nga raw ang naiipit sa harassment. Na hindi naman daw totoo na ake ang mga ibinebenta nito. Hindi daw sila papayag na masira ang kanilang pangalan dahil sa halagang P40,000.
“Bigyan naman natin ng pagkakataon si Romnick at nu’ng kanyang asawa para mabayaran ‘yung pagkakautang sa mga kumuha ng bags,” ani Ogie.
“Hindi rin para husgahan natin ‘yung nagrereklamo at the same time ‘yung inirereklamo. Pero kung maaayos ito sana maayos, ” aniya.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA