Sinaluduhan ni Vice President Leni Robredo si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar dahil sa naging hakbang nito na ipasilip sa Department of Justice (DOJ) ang drug war record ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Robredo, lahat ng hakbang ni Eleazar ay nasa tamang direksyon simula nang maupo ito bilang pinuno ng PNP.
“Malaking bagay ito kasi kung naalala mo, ang past leadership sa PNP parang hinarang niya ito. Itong kay PNP chief Gen. Eleazar, marami ang mga ginagawa na encouraging,” wika ng bise presidente sa kanyang lingguhang radio program.
“Parang nagkakaroon ka ng pakiramdam na ina-acknowledge ‘yung problem at ginagawan ng solusyon…Tingin ko, si General Eleazar is making all the right steps.” dagdag pa niya.
Aniya, isa sa nakadungis sa reputasyon ng PNP ay ang extrajudicial killings pero pag-upo ni Eleazar ay pinakita nito na desisido siya na linisin ang hanay.
“Sana, tuloy-tuloy para maayos naman, ma-strengthen ang institution, malinis ang magandang pangalan.” ani Robredo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY