Inilahad ni Vice President at Presidential candidate Leni Robredo ang COVID-19 response plan para sa bansa, Miyerkules ng gabi.
Tututukan aniya ng “Kalayaan sa COVID Plan” ang tatlong aspeto: Kalayaan sa pangambang magkasakit, Kalayaan sa gutom, at Kalayaan sa kakulangan sa edukasyon.
Sa limang minutong Facebook video, inisa-isa ni Robredo ang mga aksyon na gagawin habang nararanasan ang pandemya.
Sakop ng unang aspeto ang pagtigil sa korupsyon, maayos na liderato sa COVID response strategy, suporta para sa frontliners at ospital, libreng at accessible na healthcare, pag-ayos sa sistema ng PhilHealth, at bakuna para sa lahat ng Filipino.
Kaakibat naman ng ikalawang aspeto ayuda sa kasagsagan ng lockdown, pagtigil sa malawakang lockdown, suporta sa maliliit na negosyo, pagtulong sa mga nawalan ng trabaho, at pagpapalakas sa agrikultura upang matiyak na may pagkain ang bawat Filipino.
Kasama naman sa ikatlong aspeto ang pagbubukas ng mga eskwelahan sa low-risk areas, pagbibigay ng gadget at load sa mga estudyante sa high-risk areas, at dagdag na community learning hubs.
“Para mas mapabilis ang ating tuluyang paglaya sa COVID, ang kailangan klaro, malawakan, strategic, at mapagpalayang tugon,” pahayag ni Robredo.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)