Upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga quarantine facilities, muling gagamit ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng robot na magsisilbing tagahatid ng mga medical supply sa mga tinamaan ng coronavirus. Ipinakita ni Mayor Lino Cayetano kay Secretary Vince Dizon, National Task Force Deputy Chief Implementor ang mga estratehiya sa paglaban sa nakamamatay na sakit nang bumisita ang NTF CODE TEAM Against COVID-19 sa Lakeshore Hotel Mega Quarantine Facility sa Lakeshore Complex sa nasabing lungsod. (DANNY ECITO)
GUMAGAMIT na ngayon ang Taguig City ng “Robonurse” upang tulungan at mabawasan ang panganib sa ating mga medical personnel na nangangalaga sa mga COVID-19 patient sa siyudad.
“These robots will physically carry medications and other supplies to COVID-19 patients while the nurses look on from the monitor at the head of the robot,” ayon kay Mayor Lino Cayetano.
Aniya ang “Robonurse” ay isa pang produkto ng Taguig Robotics Team (TRC) na binubuo ng mga estudyante na sila ring lumikha ng mga robot na ginamit sa online graduation ng siyudad.
Tiniyak ni Cayetano sa mga residente na magpapatuloy ang pamahalaang siyudad na mas pagbubutihin pa ang sistema nito at maghahanap ng mga lugar na pupuwedeng pagtayuan ng quarantine facilities sa gitna ng umiiral na health crisis.
“Our COVID-19 plans stretch up to December next year to make sure we will cover the needs of our citizens sufficiently post-pandemic. That means we have time to push the boundaries,” ani Cayetano.
“The Taguig leadership has ensured adherence to the test-trace-treat approach, beefing up our capabilities on all fronts. We have acted with urgency and innovated to cope with the challenges,” dagdag pa nito.
Sa ngayon ay may limang quarantine facilities na ang Taguig City para sa mga pasyente ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, ay mayroon pang 539 aktibong kaso ang siyudad na kanilang tinututukan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA