Pumalag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panukalang batas ni Senator Robin Padilla na kilalanin ang same-sex civil union o pagsasama ng mga magkatulad na kasarian.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, ang pagpilit sa Simbahan na gawin ito ay paglabag sa karapatan.
“Ano ba ang nilalaman ng panukala ni Senator Robin Padilla? Kasi possible naman na hindi naman talaga pinipilit na pati ‘yung mga religious groups ay talagang i-honor ‘yung ganyang panukala,” ayon kay Secillano sa panayam ng GMA.
“Magiging infirmity ‘yan. Ang ibig kong sabihin ng infirmity, maging violation iyan ng religious right din. Ano ba ang karapatan ng isang relihiyon? Hindi ba siya puwedeng puwersahin ng Estado na gumawa ng bagay-bagay na labag sa kanyang paniniwala,” dagdag ni Secillano.
Sa Senate Bill number 449 ni Padilla, isinusulong na pahintulutan ang same-sex couples na naninirahan sa iisang bahay na irehistro sa Civil Registrar ang kanilang pagsasama.
Pakay ding bigyan ng pantay na karapatan ang same-sex couple, kung saan maaaring kilalanin ang partner bilang tagapagmana at dependent sa mga insurance, health at pension benefits na katulad sa mga mag-asawang ikinakasal.
Una nang sinabi ni Padilla na pinapayagan na rin sa 31 bansa at teritoryo ang same-sex marriage o civil union.
Nagpahayag naman ng suporta si Senador Risa Hontiveros sa panukalang batas ni Padilla, at idinagdag na ito ay pinakamahalagang hakbang na dapat ipasa para wakasan ang diskriminasyon.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna