May 17, 2024

ROBIN PADILLA, PINAG-IISIPAN KUNG TATAKBONG SENADOR, GOBERNOR AT MAYOR SA CAMSUR

Humihingi ng guidance Robin Padilla sa mga netizens tungkol sa isang mabigat na desisyon. Aniya, kakagatin ba niya ang politics o gagawa na lang ng pelikula?


Batay sa post ni Binoe sa kanyang Facebook account, maraming bagay ang gumugulo sa kanyang isipan. Inihayag niya ito nang magkasa siya ng FB Live.


“Alam n’yo mga kababayan, naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan ngayon. Pinakamabigat na desisyon na ata itong nangyayari sa buhay ko. Kasi una, itong October, filing neto ng candidacy,” ani aktor.


Humihingi rin siya ng guidance at gabay sa Panginoon sa pamamagitan ng Kagabi, salat at estikara. Ito ay isang uri ng panalangin ng mga kababayan nating Muslim.
Ayon pa kay Robin, pinag-iisipan niya kung tatakbo ba siya sa 3 posisyon sa 2022 elections. Ito ay sa senado ba, gobernador sa Camarines Norte at mayor sa Jose Panganiban sa CamSur.


“Binalak kong tumakbo sa Camarines Norte bilang governor pero na-shock ako doon sa gastos. Hindi ko kaya ‘yun. P150 million, saan naman ako kukuha non?” dagdag pa ng aktor.