Ilan lamang sa panukalang batas na ihahain ni Senator Robin Padilla ay ang gawing legal ang divorce at paggamit ng marijuana bilang gamot sa may sakit.
Inilatag ni Padilla ang listahan ng kanyang 10 priority bills sa kanyang Facebook post.
Kasama rin sa kanyang isusulong na panukala ang suspensyon ng excise tax sa petrolyo, pagrepaso sa rice tariffication law at mandatory ROTC sa kolehiyo.
“Naihain na po natin ang unang 10 prayoridad na panukalang batas sa Senado para sa ika-19 na Kongreso,” saad ni Padilla sa pinost nito Facebook.
“Simula pa lamang po ito. Tututukan, aaralin at isusulong natin ang mga adbokasiya na tutugon sa samu’t saring isyu na malapit sa ating bituka – kasama rito ang mataas na presyo ng petrolyo, mga problema sa agrikultura at food security, at talamak na diskriminasyon,” dagdag pa niya.
“Tuloy po ang ating pagsisigasig sa Senado bilang tugon sa mandato at tiwala ng sambayanang Pilipino!”
Narito ang mga pet bills ni Padilla:
1.The Equal Use of Languages Act
2.Suspension of Excise Tax on fuel
3.Medical Cannabis Compassionate Access Act
4.Magna Carta of Barangay Health Workers
5. Amending the Rice Tariffication Law
6.Equality and Non-Discrimination Act
7.Civil Service Eligibility for casual and contractual government employees who have rendered at least 5 years of government service
8. Regionalization of Bilibid Prisons
9. Mandatory Reserve Officer’s Training Corps Act
10. Divorce Act of the Philippines
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA