Usap-usapan ngayon ang dalawang celebrities sa Twitter matapos itong makapasok sa Magic 12 sa inilabas ng pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Lumalabas sa isinagawang survey noong Pebrero 18-23, nakakuha ang aktor na si Robin Padilla ng 47.3 percent voter support mula sa 2,400 respondents.
Matatandaan na inendorso ang sikat na action star ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang anak na si vice presidential bet Mayor Sara Duterte-Carpio.
Samantala, nakapasok din sa Magic 12 ang isa pang UniTeam senatorial candidate na si dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista base sa February poll na nasa ika-12 hanggang ika-14 puwesto na may 32.8 percent ng suporta mula sa mga botante. Kapantay niya sa puwesto sina Senator Risa Hontiveros (32.3 percent) at Senator JV Ejercito (31.6 percent).
Nanguna si Broadcaster Raffy Tulfo sa survey na may 66.9 percent support ng respondents.
Sinundan siya ni Antique Rep. Loren Legarda, dating Public Works Secretary Mark Villar at Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na nagpantay sa ika-2 hanggang ika-4 na puwesto. Pantay din sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero sa ika-lima hanggang ika-7 puwesto.
Ang iba pang senatorial candidates na napili ng survey respondents ay ang mga sumusunod:
Dating Vice President Jojo Binay (45.6 percent)
Reelectionist Sherwin Gatchalian (44.6 percent)
Reelectionist Senator Joel Villanueva (42 percent)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna