December 25, 2024

Robert Trump: Utol ng US President pumanaw na, 71

PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni US President Donald Trump na si Robert Trump nitong Sabado ng gabi matapos isugod sa ospital sa New York. Siya ay 71-anyos.

Binisita ng naturang president ang kanyang utol sa New York City hospital noong Biyernes matapos ianunsiyo ng opsiyales ng White House na nagkaroon ito ng seryosong karamdaman.

“It is with heavy heart I share that my wonderful brother, Robert, peacefully passed away tonight,”  malungkot na pahayag ng US President.

“He was not just my brother, he was my best friend. He will be greatly missed, but we will meet again. His memory will live on in my heart forever. Robert, I love you. Rest in peace,” aniya pa.

“He’s having a tough time,” ayon sa pangulo, na hindi sinabi kung gaano katagal naospital ang kapatid, o kung ano ang sakit na iniinda nito.

Naunang maospital nang isang linggo ang batang Trump noong Hunyo, sa Mount Sinai Hospital sa New York.

Nagtrabaho si Robert, isa sa apat na kapatid ni Donald, bilang real estate developer at executive vice president ng Trump Organization.

Kabilang sa kanyang trabaho ay pangangasiwa ng mga casino ng nasabing organisasyon.