Nakalusot sa isang intense game ang Denver Nuggets kontra Utah Jazz. Pinatid ng Nugget ang ritmo ng Utah, 135-125 sa pagsisimula ng first round ng 2020 NBA playoffs.
Bagama’t sinikap ng Jazz na makaalagwa, hindi pa rin umubra ito kahit sa overtime. Binitbit ni Jamal Murray ang Nuggets sa pagbuslo ng 36 points at 9 assists.
Nag-ambag naman ng 29 puntos at 10 boards si Serbian big man Nikolai Jokic. Kumamada naman ng 57 points si Donovan Mitchell para sa Utah. Ngunit, hindi ito sapat upang makaungis ang Jazz.
Tumulong naman si Fil-Am guard Jordan Clarkson na nagbuslo ng 18 points. Naitabla pa ng Jazz ang iskor sa 115 all. Ngunit, bumalikwas na sa dikit na laban ang Nuggets.
Pinuri ng organization ng Jazz ang perpormans ni Clarkson.
“The organization, top to bottom, loves Jordan Clarkson,” ani Joe Vardon ng The Athletics.
“They find him funny and personable, and also willing to be coached.”
Tatangkain naman ng Jazz na manalo sa Huwebes sa Game 2. Ang laro ay idaraos ng alas 4:00 ng madaling araw (Manila Time).
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2