
KALABOSO ang isang riding-in-tandem nang mabisto ang dalang shabu makaraang masita sa Oplan Sita dahil walang suot na mga helmet sa Malabon City.
Ayon sa pulisya, habang nagsasagawa ng Opaln Sita sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., Brgy. Concepcion ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng MCPS nang parahin nila ang riding-in-tandem dahil kapwa walang suot na helmet dakong alas-4:45 ng madaling araw.
Nang hanapan ang rider na si alyas “Wency”, 21, ng Brgy. Dampalit ng kanyang driver’s license ay wala siyang naipakita habang ang iprinisinta niyang mga dokumento ng minamanehong motorsiklo ay hindi nakarehistro sa kanyang pangalan.
Nang ipatanggal ang suot niyang sombrero ay nakita sa loob ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu habang nakuha din sa kaliwang kamay ng kanyang back rider na si alyas “Joshua”, 22, isang sachet ng shabu nang ipalabas ang laman ng kanyang bulsa
Inaresto ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang mga suspek habang inimpound ang gamit nilang isang Honda Click Motorcycle na may plakang 415XIR.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of R.A. 9165, RA 4136, at RA 10054.
More Stories
Mga Batangueño lubos ang suporta kay Senator Imee Marcos
Marcos ipinag-utos ang pagtugis sa 22 suspek sa pagkidnap sa bata
Pa-binggo nina Nancy Binay at Monsour del Rosario, naging matagumpay