December 22, 2024

‘RIDE FOR VALOR’ SA ABRIL 9 NA

Nakatakdang isagawa ang Ride for Valor, isang bike-for-a-cause para sa maintenance ng Bataan Death March markers at iba pang World War 2 heritage sa Abril 9, 2023 o Araw ng Kagatingan, na kilala rin bilang 81st Anniversary ng Fall of Bataan at pagsisimula ng Death March.

Ayon kay Mike Villa-Real, Philippine Veterans Bank (PVB) first vice president for marketing and communications, ang naturang event, sa pakikipagtulungan ng Deparment of National Defense, Philippine Veterans Affairs Office, Provincial Government of Bataan at Wartime Heritage Guild-Philippines, layon nito na maingatan ang legasiya ng mga sundalong Filipino at Amerikano na nakipaglaban sa kalayaan at demokrasiya noong panahon ng World War 2.
  “The Bataan Death March is a somber reminder of the bravery and selflessness of Filipino veterans during the Second World War. It is an essential part of Philippine history and culture, and the Ride for Valor is an important way of honoring the veterans and preserving their legacy. Plus rider get to learn more about this historic event as they will be be traversing the actual route of the Death March,” saad niya.

Open ang event sa lahat ng fully vaccinated na siklista at lahat ng uri ng bisikleta na may preno na magsisimula ng alas-2:30 ng madaling araw mula Kilometer Zero sa Mariveles, bataan papuntang Capas National Shrine sa Tarlac.

Ang non-competitive bike ride ay mayroong apat na pitstops o pahingahaan: Mt. Samat, Balanga Provincial Capitol’s The Bunker, San Fernando Train Station, at Angeles Museum. Magbibigay din ng giveaways sa mga piling pitstops.

“Participants may ride at their own pace, adding there will be a 12-hour cut-off during the event,” ayon kay Villa-Real.

Nabanggit din nito na ipapatupad sa naturang event ang “No Helmet, No Ride” policy upang tiyakin ang kaligtasan ng mga lalahok.

Ayon pa rito, may mga nakaantabay rin na mga mekaniko para sa mga masisiraan, habang mayroon ding magro-roving na mga marshal para alalayaan ang mga riders. Papayagan din ang support vehicles, pero ang mga rider lang ang maaring sumakay sa sasakyan kung sakaling piliin nilang umayaw na sa event.



Ang Death March (det marts) ay tumutukoy sa sapilitang pagpapalakad sa humigit-kumulang na 76,000 na bihag na sundalong Filipino at Americano nang halos 100 kilometro mulang Bataan patungong Capas, Tarlac. Ang mga nasabing kawal ang mga tagapagtanggol ng Bataan na sumuko sa mga Japanese noong 9 Abril 1942. Pinamartsa ang mga bilanggo ng ilang araw nang walang pagkain o tubig hábang sila ay tumatanggap ng pang-aabuso sa kamay ng mga sundalong Japanese. Lampas diumano sa 10,000 Filipino at 1,200 Americano ang nasawi sa gútom, sakít, at pahirap kung kayâ’t itinawag ang insidente na Martsa ng Kamatayan na kinikilala bilang isa sa pinaka-karumal-dumal na halimbawa ng pagmamalupit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsilbi ang marker bilang reminders ng trahedya at kabayanihan na naganap noong panahong iyon.

Ang PVN ay isang pribado, commercial bank na pagmamay-ari ng World War 2 veterans at kanilang pamilya. Sa bagong Charter na nilagdaan bilang batas, kasama na ngayon sa pagmamay-ari ng Bangko ang mga Post War Veterans at AFP Retirees.

Suportado ang Ride for Valor 2023 ng Without Limits PH, Traqs Philippines, OneLGC, AIR21, Panahon.TV, at the Integrated Waste Management Inc, Neo Zigma PH, Hotel Sogo, The Oriental Hotel-Bataan, AFAB, Booster C Energy Shot, at Fitbar.

Para sa karagdagang impormasyon sa naturang event, i-follow lamang ang Ride for Valor sa Facebook sa www.facebook.com/RideForValorPH.