Kaugnay sa planong nais muling magbalik sa lona ni ‘Iron’ Mike Tyson, nanawagan si retired British pug Ricky Hatton sa boxing authorities na iligtas ang dating heavyweight boxing champ.
Ayon kay Hatton, bagama’t matindi ang paghahangad ni Tyson na muling lumaban sa lona, hindi na aniya kakayanin ng katawan ng 54-anyos ang makipagsapakan. Ani Hatton, baka masaktan lang si Tyson, bagay na ayaw niyang mangyari.
“I hope he’s taking the micky with his talks about making a comeback,” pahayag ni Hatton sa panayam ng Gary Newbon Sports Show.
“For his age he looks fantastic in that gym – but he’s still 50-plus and I don’t want to see any of my heroes get hurt.”
“I hope I’m in the same shape as Tyson when I’m 54 but we’ve got to save Tyson from himself, or the boxing authorities have got to save him from himself,” panawagan ni Hatton.
“We can’t let Mike fight, no matter how fantastic a shape he’s in.”
“Let’s calm it down Mike, you know?!”
Sa panig naman ni Tyson, sinabi nito na nasa magandang kondisyon ang kanyang katawan. Katunayan, taas-noo niyang ipinakita sa madla ang kanyang katawan, kabilang ang isang photo shot sa tabing-dagat.
Kung sakaling makabalik sa boksing, isa sa posibleng mangyari ay ang trilogy nila ni Evander Holyfield, 57-anyos, na abala naman sa muling pagbabalik sa charity work nito.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2